Minsan, naiisip ko, sana mas sweet ka
Minsan, hinihiling ko, sana mas expressive ka
Minsan, nangangarap ako, sana mas kaya mo ipadama
na simula nung minsan, ako’y minamahal mo na
Minsan, gusto ko humiling sa iyo
na sana kahit minsan lang, haranahin mo naman ako
Minsan, naiinggit din ako sa iba
nung Christmas kasi, may flowers sila
Minsan, makulit na rin ako humiling
batang humihingi ng kendi at nagpapapansin
Minsan, hinihingi ko na iyong mapuna
maliliit na kung anong patama sa iyo sana
Minsan, ay madalas! selosa ako
sa mga babaeng nagpapapansin sa iyo
Minsan, pag di nasunod ang gusto
parang pinagalitang pusa lang, nagtatampo
hay sa dami ng minsang hinihiling ko
para ko na rin sinabi na hindi ka talaga perpekto
ang dami dami kong hinihiling na wala ka
ang dami dami kong gustong di sa iyo makikita
pero sa dami na rin ng minsang nailista
baka masabi mo nang di ko talaga napupuna
kung paano mo ginagawang ipakita
ang iyong nadarama, oo alam ko na
dahil sa pagsulat ng tulang ito
ay hindi para pintasan iyong pagkatao
oo maraming minsan na hinihiling sa iyo
pero madalas naman, alam kong, mahal mo ako.
♥♥♥